Thursday, May 24, 2007

Dual Citizenship


Last day, we have this conversation about processing Immigration papers to Australia, and most of my colleague here in the company are already there, we've tackled about retaining citizenship and having a dual citizenship. As far as I know, it only applies to child born out of the country with filipino parents (even a combination of diff nationality) automatically, the child holds dual citizenship and when he/she is on a right age, when he/she can choose which country he/she will pledge his/her allegiance then thats the time the dual citizenship is concluded. For me Citizenship is a way of showing your allegiance and loyalty to the country you choose to live.

but since Philippine cannot abrogate laws governing other countries, it is bound to respect the laws of other land, meaning dual citizenship is allowed in our country under certain provision, for more details refer to Q10.

Ive done some researching and I've come up with frequent questions about the issue of Dual Citizenship

Q3 What is dual or multiple citizenship?
A. Dual or multiple citizenship is a situation where a person is simultaneously considered a citizen of two or more countries or states, by reason of the difference in citizenship laws of these countries.


Q4. What are the common instances of dual citizenship that may frequently apply to Filipino citizens?
A. The most common example is where a child of parents who are citizens of a country(like the Philippines) which follows the citizenship rule of Jus Sanguinis(blood principle) is born in a country(like the US) which follows the principle of Jus Soli(soil principle). The child is a Filipino and at the same time a US citizen.


Q5. Does a Filipino woman who marries a non Filipino lose her Philippine citizenship upon the marriage?

A. It depends.The loss or retention of Philippine citizenship by a Filipina marrying a non Filipino depends on the laws of the Philippines and that of the husband's country.
Before the 1973 Constitution, the Filipino woman lost her Philippine citizenship if by virtue of the laws of the husband's country, she acquires his nationality.
Under the 1973 Constitution, the Filipina retains her citizenship , unless there is an act or omission on her part which may be considered as one of the ways of losing Philippine citizenship under Philippine law (renunciation, naturalization, taking an oath of allegiance and joining the armed forces of the other country) This rule which has also been retained in the 1987 Constitution, is now the prevailing rule.


Q6. Does this rule apply to a Filipino male who marries a non Filipino?
A. Under the 1935 and 1973 constitutions, it only applied to the Filipino woman. Under the 1987 Constitution, it made the rule applicable to male or female Filipinos marrying non-Filipinos.


Q7. Does a non Filipino woman who marries a Filipino man acquire Philippine citizenship?
A. Yes, but it is not automatic, in the sense that non Filipino wife still has to prove in proceedings usually conducted by Philippine Immigration authorities that she has none of the disqualifications in becoming a Philippine citizen.


Q8. Is the rule the same in the case of a non Filipino marrying a Filipina?
A. No, Philippine citizenship is not acquired by the non Filipino husband. However, he is eligible to apply for permanent residence in the Philippines upon the petition of the Filipina wife.


Q9. Are there any potential problem areas for Filipinos in the possession of dual nationality?
A. Yes. The most common complication has to do with the immigration regulations and a perception that divulging a foreign nationality may affect their privileges as Filipino citizens. Others complex situations are in the areas of inheritance, property and taxation.


Q10. Is dual nationality allowed under Philippine law?
A. Although the Philippine Constitution provides that dual allegiance of citizens is inimical(unfavorable) to the national interest and shall be dealt with by law, Philippine law has no control over laws of other countries, and cannot rule that certain persons are citizens of other countries. Hence dual citizenship may not be avoided.


Q11. Has there been any law passed in the Philippine Congress to deal with dual citizens?
A. No but there have been bills filed in both the Philippine Congress and the Senate which propose various measures but which take opposing views in dealing with the issue of dual nationality. One of these bills make it obligatory for a dual citizen to report such fact to immigration authorities within one year from the passage of the bill, and for persons under 18 to make a choice within 2 years. On the other hand, other bills actually advocate the possession of dual nationality, and even proposes that former Filipinos who repatriate or apply to regain Filipino citizenship be allowed to retain their foreign citizenship.


Q12. While there is yet no law on dual nationality, how does the Philippine Immigration deal with minors or persons under 18, who are brought to the Philippines by their parents in order to study or reside, or what kind of status are they given?
A. Fortunately, Philippine Immigration authorities allow such minors of dual nationality, to file what is known as a Petition for Recognition. It is in reality, an administrative recognition of the dual nationality of the minor. The effect is that while in the Philippines, the minor is allowed the privileges of a Filipino citizen such as residence and enrollment in Philippine schools and is even allowed to travel using the foreign passport. This procedure allows the dual citizen-minor to reside and study in the Phlippines without having to apply for resident or student visas, thus sparing them from the high costs and bureaucratic procedures associated with such visas. (More information about this and related matters would be in the section of immigration.)


Q13. What are the ways under Philippine law of losing Philippine citizenship?
A.
By naturalization in a foreign country
through express renunciation of Philippine citizenship
By taking an oath of allegiance to support the constitution of a foreign country
By enlisting and serving in the armed forces of a foreign country.


Q14. How does a former Filipino regain the former Philippine citizenship?
A. Either by naturalization in courts, or through a petition for Repatriation, lodged with the office of the Solicitor General in the Philippines or with the nearest Philippine consulate. Naturalization is the more tedious procedure and takes years to complete, while repatriation is simpler and may be completed within months if requirements are complete.


Its a lot more explaining and researches to do to fully understand law but it pays a lot when we know our rights and act and defend for it.

What I love most of my Butter Belly


  • pag galit ako or not feelin well, or being bitchy, he just play music in the piano (he's really good at it) singing at times, Im not good with remembering music and its lyrics but it never fails to soothe me, calming my nerves.
  • He always saying " yabyu!" everytime then ask.."ala bang response?"
  • whenever I say "Im sick" he prepares me juices,food, helps me take my medication, massage me sometimes, sing to me a song, buys me cartoon CDs to watch, bring me fruits, and the most sweetest is he - always asking "Ok ka lang Ma?" need/want anything?
  • He knows my penchant for "itlog ng Pugo" he will surprise me with half a tray of these eggs. Cooks it, and babalatan pa niya.. and recently he got to love "Tokwa" when he buys and cook me Tokwa.
  • He loves Juices he buys any kind of fruit just to make a fruit shake. I love most his "Watermelon Shake"
  • His "pasalubong" whenever he go out, from school or from everywhere.
  • His "text messages" I have with me still (saved in my old SIM) the first text messages he sent to me (txting without any space)
  • His two cards gave, One on our first Anniv and last is on My 27th birthday. He's not into writing but when he do, my heart swell on the words imprinted in the card.
  • The heart pillow he gave on our First Valentines day being together, the slipper he bought from Cabanatuan coming out from his first salary along with the fancy necklace with pendant "A", the many stacks of CD's he bought on 5 years we've been together.
  • I love it when he says " Big Hug Mama!" i thought i only not have a BF, but a best friend and a child rolled into one. His looks reminding me of Puss in the boots (love it!)
  • When he says "5minutes!", I know most of the times it gotten into my nerves waiting for him to do something for me, but those 5 minutes are wasted just holding my hands, hugging me tight, or saying sweet words to me.
  • I love it when we have this CD marathon, we can watch movies 24 hour a day. Conversing on the lesson we've learned.
  • His penchant for Vitamins.
  • His tissue and alcohol. He cant leave the house without a tissue and alcohol
  • His memory enhancement books, also Word power, english proficiency manuals
  • Our conversation, be it serious issues or no brainer
  • His philosophy in life ( Until now, icant seem to figure it out- but Im still trying!)
  • The art poster he did for me (with my pics and some sweet notes)
  • I love it when he immitate "Duffy duck"
  • His mega super haba habang pasensya and understanding sa aking kasungitan at kasalbahian ( di ko pa sya nakitang nagalit sa mga kaartehan ko)
  • when he's persistent giving me a piano lesson, try to read good books, and to get more serious in reviewing for Board, he set up my room in a learning mode, with proper lights, proper ventilation and a table to read and study on.
  • Eating supper together
  • Praying together, going to church together
  • and most of all, I love just staring at him, drawing my strength from him by merely looking at him smile...

Harry Potter Book Seven - Fallin for the second time






Ive got taken hold of unpublished PDF copy of Harry Potter Book Seven ..(hehe)

Im currently into Chapter Ten, and i've easily assumed that JK Rowling's latest book aint not for Kids (Its a Rated PG)

Why? here are the lines I doubt are too imaginary and sensual for the Kids to read:

" His Anatomy is starting to respond"

" She moaned softly as he continously plant kisses along the slender column of her throat, and he thought the sound made him mad".

" Harry and Ginny broke apart reluctantly, both panting and looking rather rumpled".

and some conversations with Bra's, snickers, boxer shorts, shower, lotsa pencha kissing and smooching.. and to think Im just only in Chapter Ten at page 158 of the 659 pages? Whoa.. JKR is really up to something new..

Ginny is really something here, overshadowing most of Hermione's part. Bonnie Wright in real life, this 16 yr old gal is definitely hooked with Harry.

Well, HP is HP and it commands attention and followers.. Might as well enjoyed reading it. never mind the repugnant lines...




Wednesday, May 23, 2007

Angels in disguise

"May GOD Inspire you when You feel down,
Encourage you when you feel like Quitting, and
Guide you when all becomes confusing.
Stay happy because thats how GOD wants you tobe!"

Ive got this message one morning when I am feeling down and depressed after a day of trouble and disappointment.

Recently, I have a problem encountered doing my office work, but its seems that I have in me a gift (?) of making things complicated.. I feel embarassed and guilty of what ive done unintentionally.

Good thing I have with me good friends who parted their words, encouraging and lifting me up. Sol, for being my confidante at all times, lending her ears for my litany, time and support. We may be opposite at other things and opinions still we know when to stop and comfort each other.
Manj, for believing in my capabilities, kahit na i feel I am really worthless

They are my angels at that time, hehe. God is so merciful of me, even if I am not worthy of his blessings and guidance, and I am forever eternally grateful for that.

I am happy to experience all of this, so that I may know I have with me friends who will support and sustain me at the lowest point of my life.

The magic of cookies



Yummy.. I love cookies now , before I am not into sweet foods but with the cookies I have tested free is really mouth watering (hehe) plus the fact that I've got this cookies as a reward.

Yipee! For A Quarter without being tardy, and SLs!

Okay, okay , maybe not a big deal for you, but for me? this is really something I am proud of. hehe..

Let me tell you this, prior me joining the company, I was a hard knock tardy employee. Imagine just to give adjustments to me being everyday late, My Manager allows me to report 30 mins late at the usual office time. But to no avail, Late pa din ako..Buwahahaha..

I even received numerous reprimand letter (luckily I didnt get hold of temporary suspension) hehe and a lots of hours spent on counseling..

So now you say its no big deal? nah, I've spent a lot of perseverance here, bunch of mind setting. and getting rid of my laziness.

Well, additional to this, I think it's a lot way easier to report day to day for work when you know you're in a good company, with a good friends working with you.

Its a real blessing, adds to inspiration if i may say.

Next Goal - A year without Late and SLs - may be, maybe I will get a big box (lotta boxes) of Cookies..hehe.

Monday, May 21, 2007

My views about Manny being a hero


Ang punto ko lang bago ko simulan ito ay ang maipahayag ang nasa diwa at saloobin ko..

Bayani nga ba na maituturing si Pacquiao?

Isa isahin natin..mainam na pag bulaybulayin..at himayhimayin.

Oo, di makakaila na nagmula siya sa wala, nagsikap, naghirap at nagpunyagi gamit ang kamao para makaahon sa kahirapan. aminin man natin o hindi, ang unang adhikain niya ay ang pangsarili (pamilya ) na makaahon sa kahirapan. magpunyagi at magwagi matapos ang mga paghihirap. masasabi ko na sa mga una hanggang 5 taon niyang pagboboksing, maaring gusto talaga niyang makapagbigay ng karangalan sa bayan , ang tanong ko lang : bakit siya nag pro boxing. puede naman sa paglahok sa Olympic events (gaya ni Onyok na nagsimula din sa wala) (oo maaring sasabihin niyo na ala siyang padrino para makasali sa phil. sports team, pero maaari din na ayaw talaga niya-dahil sa kakulangan sa budget, at perang at-stake, paalala lang na nagsisimula pa lang siya alalay na sya ni Atienza) entiendes, mas malaki ang kita sa pro-boxing. OO aaminin ko sa mga naunang laban niya, isa ako sa milyon milyong pilipino na tumutok at nagdasal para sa ikakapanalo niya, ngunit sa pagdaan ng panahon (at pagigng sensasyonal ng mga laban nia) nawalan na din ako ng gana at interes.
Masigasig, determinado, may talento, may puso, makabayan, iba siya sa loob ng ring sa labas. Pero kung papipiliin ako kung sino ang mas pinoy boxer sia osi elorde? Si elorde pa din ako.

Ang tanong ko lang, puede namang makatulong sa bayan kung isa siya sa magiging pedestal sa pagahon at pagbangon ng sports industry ng pilipinas, magtayo ng foundation, magtrain ng mga bagong talento, suportahan ang bawat pilipino boksingero man o kahit na anong larangan sa sports. Alam niya higit kanino man ang paghihirap ng isang tunay na atleta. Maibabahagi niya ang sarili niya sa aspetong ito. Sa kin lang kung hindi pera pera ito, bakit matapos pumirma sa isang kontrata at bayaran ng pera ay babalewalain at isosoli makapirma lang sa isang kontrata na mas mahigit at doble ang bayad?

Hinahangaan ko si Pacman sa pagiging isang tunay na atleta, pero Bayani? pag iisipan ko muna ng maigi..

parang pag iisip kung Bayani nga din ba si Aguinaldo matapos niyang traydurin at ipapatay si Andres Bonifacio.

Bayani- Pacquiao?

Sino ang nagsabing bayani ng Pilipinas si Pacquiao?

1. Marahil ang ABS-CBN na nagsabing ang LABAN ni PACQUIAO ay LABAN ng BAWAT PILIPINO.
Sa labang ito rin, nanalo ang ABS-CBN sa kakumpitensyang GMA 7.
Sa labang ito rin, nanalo ang bulsa ni Pacquiao sa napakaraming endorsements
Sa labang ito, habang gutom na hinihintay ng Pilipino ang laban ni Pacquaio, busog na busog ang mga promoters, Pacquiao team, pamilya ni Pacquaio et. al.
Sa labang ito, sino nga ba ang panalo?
2. Marahil PULITIKA rin ang nagbigay ng titulong “bayani” kay Pacquiao. Lalo na sa mga malapit sa kaniya. Tunay na hindi nakakahahawa ang popularidad ng isang “bayani”, ngunit subukan mo syang idikit sa isang pulitiko, ano pa nga bat babango kahit kaunti ang mabahong tao. Eh?
3. At sa huli, ang nagbigay ng titulong bayani kay Pacquaio ay ang bawat Pilipinong nagbigay kahihiyan sa bansa.
Sa gitna ng patuloy na paghihikaghos ng marami (iba at ginustong maghirap dahil sa katamaran at kawalang pagsusumikap: samantalang ang iba naman ay patuloy na lumalaban), isang bayani nang matuturing ang magpapabango sa lahi ni Juan Dela Cruz. Nagkataon na si Pacquiao ang taong iyon. Ngunit ang tanong, sino nga ba ang nagpabaho ng hangin, hindi ba’t tayo rin.
At sa patuloy nating pag-iidolo sa taong ito, please someone tell me… anong magandang naidudulot ng nasabing “PANALO” sa takbo ng buhay ng Pilipino?


Palamuti sa kasaysayan, palamuti, palamuti


Shrek d Third!


hehe.. kagabi nakabili si Butter Belly ng CD ng Shrek d third..

okay din ang storyline kung saan si Shrek ay next in line sa throne para maging King ng Far Far away kingdom, after madedo ni King Harold.
Siyempre being an ogre (certified) lahat ng gawain palpak..and he's not very much willing to give up his Beloved "Swamp" with the option to sit and just lazing all around the day..

Off Shrek went out along his ever dependable chatty "Donkey and the scene stealer " Puss, in boots" to find "Artie" King Harold's nephew who is always in the receiving end of "Lancelot's athletic show off.

I do really find it amusing whenever Donkey and Puss has this bout and conversation (especially, the ever famous Puss " I can handle this" sabay pose ng mukha na napakaamo at napa ka kyut) hehe.. If shrek dont have Donkey and Puss, the film story would be dragging.

I do like also Donkey's children-hehe with a donkey's face and bod with a wings to boot! (ganda combi)

Medyo I find it corny pagdating sa mga princesses (Snow white (a singer and sometimes debauched princess) Sleeping beauty (ever sleepy at all times) Rapunzel ( traitor who fell in love with prince charming) and Cindy plus Ugly Sister as Fiona's girl friends. I find it huhummm when they do the Charlie's Angel thing.


All in all, I am a fan of all Shrek's movies.. movies I like better than Mr Bean..hehe..



Election Result = Lies - Let's Recount


ELECTION RESULTS:When you rearrange the letters:

LIES - LET’S RECOUNT

ito ung pinakpaboritong litanya ng mga kandidato na di pinalad maupo sa kakatapos lang na eleksiyon..

sabi nga ni dan Fernandez " Hindi tayo nadaya, kasi hindi ako natalo, pero kung natalo ako ,malamang sa hindi, dinaya ako".

WoW! kakaiba talaga..

kayo na ang humusga..

One good deed in One day!


Humm...

Magandang ideolohiya to sa pang araw-araw..

nakatulong ka na,natulungan pa ang sarili mo sa pagiging mas mabuti

at may bonus pa..
isang mahimbing na pagtulog!

Nabuhay ka ba sa Kapayapaan? Ako, OO noon!

"Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN...

Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan; Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang; 10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon; Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo. Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a: 'Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa 'di mo kakilala. Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana;Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams; Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak... Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon. Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa Rosebowl ang katawan at Darigold na maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan); sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp. 'Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!) May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo;Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin; Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa. Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology... di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw! Sana pwedeng maibalik... Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob... Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara... Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...Balik tayo sa nakaraan kahit saglit... Bago magkaroon ng Internet, computer, at cell phone. Noong wala pang mga drugs at malls. Bago pa nauso ang counter-strike at mga game boy. Tayo noon... Doon...Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw" Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado na tin, kasi wala namang calculator. Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama; Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae;Inaasbaran ng mga suberbiyo; Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page. Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa p'wet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon? Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan; Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ng lukaok, susuwi at espada? Susmaryosep ang nadidinig mo 'pag nagpapaligo ng bata... Estigo santo kapag nagmamano. Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa "kapre;" Tuwang-tuwa kami 'pag tinalo ang tinale ni Itay kasi may tinola! 'Yung crush mo?'Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong, taeng-kabayo o biscocho? Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel; Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat; Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy. Madami pa...Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong 'pag isawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin... Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog; Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan. Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit; Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na almirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, 'di ba? Pwede rin sa laylayan... May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk. 'Di ba masaya? Naalala mo pa ba? Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon... Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon... 'Di ba noon...Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?" 'Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"... Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten...Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman; Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti; Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isa't-isa; Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka nang taya sa holen. 'Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo. 'Di natutulog si Inay, nagbabantay 'pag may trangkaso tayo; meron tayong Skyflakes at Royal sa tabi. Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!Pustahan tayo, mga 'Igan, nakangiti ka pa rin, tulad ko!

(excerpts from igan's blog)

Isang bukas na liham para kay Manny

Isang bukas na liham kay Pacman
Arnold Clavio

Dear Manny,

Nais kong simulan ang liham kong ito sa pagbati sa iyo ng isang magandang araw. Sana ay lagi kang pagpalain ng Poong Maykapal tulad ng matagal na Niyang ginagawa sa iyo.Kamusta na ang pambansang kamao?Hindi mo ako personal na kakilala. Pero maituturing mo akong tagahanga sa tuwing may laban ka. Hindi man 100 porsyento na humahanga ako sa iyo, pero nasa likod mo ako palagi tuwing sasabak ka sa labas ng bansa.At ngayong sasabak ka sa kakaibang uri ng laban, dapat mong timbangin ang iyong magiging desisyon. Kilala kang sugarol, sabong at bilyar, kaya hindi ko matatawaran ang lakas ng loob mo sa pagpasok sa May 14 election.Umabot din sa milyones ang ipinapatalo mo. Pero hindi ka mapigilan ng mga nakapaligid sa ‘yo. Pera mo ‘yan at ayaw din nilang magalit ka at mawalan din sila ng pagkakakitaan.Narinig ko na na gustong makatulong sa mga kababayan mo sa Gen. Santos City kaya tatakbo ka sa Kongreso. Mali ang posisyong pupuntahan mo. Dapat Gobernador o Mayor ang subukan mo dahil mas direkta kang makakatulong sa mga kababayan mo.Ang mambabatas ay taga-gawa ng batas hindi tagapag-implementa nito. Nananatiling pangarap lamang ang nais mong pag-unlad ng mga kababayan mo, kung hindi magiging ganap na batas ang panukala mo.Mas maigi rin kung magiging pilantropo ka o magtatag ng isang foundation. Tulungan mo ang mga anak ng mga namatay, naging baldado, naghirap na mga kapwa mo boksingero. Malaki ang problema ng boksing sa Pilipinas at ‘yun ang unahin mo dahil ‘yun ang malapit sa puso.Kung sulsol ng mga ‘trapo’ ang kinonsidera mo sa iyong desisyon, delikado ka. Walang tunay na kaibigan ang hihimok na lumahok sa isang eleksyon o pasukin ang politika ang kanyang kaibigan. Hangang magagamit ka nila, kauri ka. Subalit oras na malaos ka na, mag-isa ka na lang.Habang ang buhay mo ay nasa lona pa, doon ka muna. Kung magdedesisyon kang magretiro tsaka ka lamang subukan ang panibagong hamon. Lubhang mapanganib ang pagharap mo sa dalawang panginoon. Maaaring magtagumpay ka sa isa o matalo ka sa dalawa.Hindi ko inaasahang bibigyan mo ng pansin ang kolum na ito. Puwedeng itago ng mga nakapaligid sa ‘yo at maiba ang kuwento. Anuman ang mangyari sa iyo sa Mayo 14, magwagi o matalo, kahit papaano may babalikan ka na makakatulong na maging mas matalino ka sa mga susunod mong desisyon. At asahan mo, wala kang maririnig na paghuhusga sa akin.Minsan, kailangan nating maranasan ang lahat - kayamanan at kapangyarihan, para mabatid mo na sa huli na hindi pala ito ang magpapasaya sa iyo at siyang sagot sa mga katanungan mo. Madaling manalo ang katulad mo, ngunit hindi iyon ang problema. Ang pinakamalaking problema, kapag nanalo ka na.Simplehan natin, alam mo ba na malaki ang mababago sa buhay mo. Hindi ka na puwedeng mag-ubos ng oras sa sabungan o mga derby. Hindi ka na maaaring magdamagang maglaro ng bilyar. Hindi ka na rin puwedeng gumawa ng mga gawain na pambarako. Alam mo ang ibig kong sabihin.Kapag public official ka na, lahat nakatutok sa iyo. Mula sa media hanggang sa mga makakalaban mo sa susunod na eleksyon. Handa ka ba sa mga panlalait? Kaya mo bang daluhan lahat ng kasal, binyag at patay? Pati ang mga kapistahan hindi lamang sa lugar kundi sa kalapit na lalawigan. Kaya mo bang gumising sa umaga para magbasa ng diyaryo, makinig sa radyo at manood ng TV, para di ka mahuli sa balita?Pareho tayong laki sa hirap. Pero nagsikap ako at gumapang para magkaroon ng titulo at magkaroon ng patas na pakikipaglaban sa lipunan. Makakabuting unahin mo na tapusin ang edukasyon at magsilbi kang inspirasyon ng mga mahihirap na kabataan. Hindi sa basagan ng mukha natatapos ang buhay ng isang boksingero. Iba ang tingin sa iyo kapag nakapag-aral ka.Maniwala ka Manny, masarap makatulong kahit wala kang posisyon. Mas totoo ang paglilingkod. Walang hihintaying kapalit. Walang pagdududa. Tapat ang pasasalamat ng mga natutulungan mo. Tunay ang makakaharap mong mga kaibigan.Alam ko ito, dahil may foundation din ako.


Nagmamalasakit,iGAN

Lord, Kayo na po ang bahala kay Manny.

My best theraphy

List of therapy I do and have at the times I’m feelin down and poignant:

Just being alone, all by myself
Reading scriptures, church Magazines
Walking along the shore, merely thinking of anything or everything
Watching people
Reading books
Cleaning
Looking back at the writings in my journal
Looking back at the writings at ate's journal (hehe)
Looking at old pictures
Listening to butter belly's piano pieces
Sleeping
Eating alone
Just go out, walk with no definite direction
Last, but the best therapy I like a lot, hurriedly going to my butter belly and just say "Big Hug!” and man, it surely, definitely works all the time...

Find the Power




I look around and see what I've been given

And I think about the ones before

who gave their lives and died for the cause.


I think about this blessed Restoration,

and the truth that's come from heaven

with the pow'r to change the lives of this world.

Here we are in a time of revelation,

with the answers we can give the world

to the questions of just why they are here.

Who are we to dismiss this charge to others?

It's a sacred obligation

and a priv'lege to be helping the Lord


(chorus)

Find the power that you have in your heart.

There's a stone rolling forward; it's the nation of God.

For the battle is raging, and the armor is strong.

The enemy is losing. Which side are you on?


Take a stand with the author of salvation

And choose your destination

by rememb'ring where it is you belong.

Move ahead with a strong determination.

Giving heed to the direction,

and obeying the commands of the Lord.


(chorus)-repeat 3 times


Find the power that you have in your heart.

There's a stone rolling forward; it's the nation of God.

For the battle is raging, and the armor is strong.

The enemy is losing. Which side are you on?
I really like the song and its lyrics..especially " Find the power that you have in your heart.."
Uplifted me when I do feel down and sad sometimes..

Knowledge Assessment test


whew.. after a gruelling hour, still di ko pa din ma comprehend ung mga questions sa exams.
kinakalawang na talaga ako..(well since college days pa ata)

i hope i can find ways to improve my learning skills..

time to enroll in my butter belly's Memory enhancement skills (hehe)

ciao..