Aside of course with my family (Mama, Tatay and Ate), Loloy and Butter Belly are one of people whom I hold and treat very dearly.. why?
My BoLoloy - Gendryck Loyd Tapinit as real name, I love him on making me smile always on his unique views and stance in life. I'll never forget how he touched our lives just being with us since his 3rd month of infancy. Now being a 3 yr old boy (turning four) I still look forward going home with him bouncing and shouting as his way of welcoming me. ( parang preso na nag aantay ng dalaw..hehe) sabay sabi " Ate pasalubong" and the usual i brought him a box of Donut ( Dunkin Donut ) ayaw niya ng Mr donut at kailangan bilog siya.. kasi minsan binilhan ko ng alang butas na donut ayaw ba naman sabi di daw donut un kasi alang butas, minsan munchkin ayaw din kasi alang butas (oo nga naman) donut nga eh. (hehe) minsan may pagka ingrato din (sa dugo ata nila) joke.. sabi naman minsan, "Ay donut na naman?" sabi ko "ayaw mo?" biglang bawi sabay ngiti "hindi po!" hehe..
Humahabol na din talaga pag aalis ako o si ate, kaya ginagawa ko pinapatulog ko muna sa hapon sabay takas ng alis. mabigat din sa loob pero mas okay na ung ganun.. Sabi ko na lang " kailangan ni Ate mag work kasi la ka na pambili ng gatas.." sabi naman niya sabay yakap " Di, Di nako dede gatas.. kanin na lang :..(natawa talaga ako) Minsan naman din bibili si Tatay ng pampers niya kasi naubusan na.. sabi niya " Wag na mag pampers, para alang gastos." ewan ko ba kung saan niya napupulot yung mga sinasabi niya ..hehe. naisip ko nga siguro pag di namin siya naalagaan mabuti tiyak juvenile delinquent ang labas niya (hehe)
At isa pa Paborito niya talaga si ninong niya..((butter belly) lagi nalang nagtatanong pag tumutunog ang CP ko na kung si Ninong niya ba un..kailan daw kami ulit pupunta sa kanila.. atkung ano ano pang pangungulit..siguro kung di siya dumating sa buhay namin, kanya kanya kami sa bahay..di mo mahahagilap si tatay, may asawa na si ate, ako tatamarin na umuwi, at si mama mangungunsumi kay tatay..(hay) kahit na madami kami pinagdusahan sa pag aalaga at pagsaway sa kakulitan niya di pa din matatawaran ung kaligayahan na binigay niya samin. dahil nga sa kakulitan, imagine mga 8 mos. pa lang sya tumatayo sa duyan nang di namin namamalayan na gising na pala, (buti na nga lang di namimili ng kung sinong bibigyan ng guardian angel si lord, kesehodang makulit ang bata, hehe) nandun 3 beses na nahulog sa bintana, muntik makalulon ng bentesingko, nakuryente ng 2 beses, nagkumbulsiyon ng 3 beses, nasundot ang mata ng espada( at nung dadalhin na sa ospital, nakakita ng jolibee, nadilat ng mata kahit konti sabay sabi "jollibee ambo.." hay naku. lagi ko tuloy pinagpapray na safe lagi..
mahilig siya sa car, ayaw niya ng pagkain pag alang sabaw (except na lang hotdog, pareho kami)
stress relief niya ang maggupit ng mga papel (this moment lang ata siya natatahimik) gustong gusto niya na binabasahan ng story bago matulog (bilib nga ako kay ate sa dami ng version sa isang story outline lang) mahilig siyang mag bike at mag jogging sa madaling araw, 1 1/2 pa lang siya kasakasama na siya nina mama at taty mag jogging sa may bukid,at madami pang ibang kalokohan at kabibohan. basta ang alam ko lang puede na siyang pang back up kung sakali man di kami magkababy ni butter belly. (sigh) hehe.
On my Butter Belly - one thing in common nila ni Loy is ung sobrang makulit, (as in) grabe din mag create ng mga palusot at paliwanag, ung tipo ba na siya ung mali mapapaikot ka sa usapan na hanggang dulo eh mafefeel mo na ikaw na ung may mali..(sigh again) sobrang sweet ( at our first 2 yrs lagi siya naka embrace, hold hands) sobrang paranoid sa safety ko..attentive sa mga mood swing ko (topak), sobra sobrang pasensiyoso sa kasalbahean ko, sobrang senti, kung baga ako ung lalaki at siya ung babae samin, peace loving person, ayaw nang gulo at away pero once na magalit nakakatakot.., madami pang bagay na nagustuhan ko at nakita sa kanya, blessed nga talaga ako kasi siya ung binigay sakin para mag guide at mag inspire. Kahit na mejo matatagalan pa bago kami magsimula talaga ng pamilya, I'll take the chance to wait. Madami man kami differences, siya pa din ang gusto kong makasama magbuo ng isang pamilya.
"Love is like a friendship caught on fire. In the beginning a flame, very pretty, Often hot and fierce, But still only light and flickering. As love grows older, Our hearts mature And our love becomes as coals, Deep-burning and unquenchable. "~ by Bruce Lee ~