Monday, May 21, 2007

My views about Manny being a hero


Ang punto ko lang bago ko simulan ito ay ang maipahayag ang nasa diwa at saloobin ko..

Bayani nga ba na maituturing si Pacquiao?

Isa isahin natin..mainam na pag bulaybulayin..at himayhimayin.

Oo, di makakaila na nagmula siya sa wala, nagsikap, naghirap at nagpunyagi gamit ang kamao para makaahon sa kahirapan. aminin man natin o hindi, ang unang adhikain niya ay ang pangsarili (pamilya ) na makaahon sa kahirapan. magpunyagi at magwagi matapos ang mga paghihirap. masasabi ko na sa mga una hanggang 5 taon niyang pagboboksing, maaring gusto talaga niyang makapagbigay ng karangalan sa bayan , ang tanong ko lang : bakit siya nag pro boxing. puede naman sa paglahok sa Olympic events (gaya ni Onyok na nagsimula din sa wala) (oo maaring sasabihin niyo na ala siyang padrino para makasali sa phil. sports team, pero maaari din na ayaw talaga niya-dahil sa kakulangan sa budget, at perang at-stake, paalala lang na nagsisimula pa lang siya alalay na sya ni Atienza) entiendes, mas malaki ang kita sa pro-boxing. OO aaminin ko sa mga naunang laban niya, isa ako sa milyon milyong pilipino na tumutok at nagdasal para sa ikakapanalo niya, ngunit sa pagdaan ng panahon (at pagigng sensasyonal ng mga laban nia) nawalan na din ako ng gana at interes.
Masigasig, determinado, may talento, may puso, makabayan, iba siya sa loob ng ring sa labas. Pero kung papipiliin ako kung sino ang mas pinoy boxer sia osi elorde? Si elorde pa din ako.

Ang tanong ko lang, puede namang makatulong sa bayan kung isa siya sa magiging pedestal sa pagahon at pagbangon ng sports industry ng pilipinas, magtayo ng foundation, magtrain ng mga bagong talento, suportahan ang bawat pilipino boksingero man o kahit na anong larangan sa sports. Alam niya higit kanino man ang paghihirap ng isang tunay na atleta. Maibabahagi niya ang sarili niya sa aspetong ito. Sa kin lang kung hindi pera pera ito, bakit matapos pumirma sa isang kontrata at bayaran ng pera ay babalewalain at isosoli makapirma lang sa isang kontrata na mas mahigit at doble ang bayad?

Hinahangaan ko si Pacman sa pagiging isang tunay na atleta, pero Bayani? pag iisipan ko muna ng maigi..

parang pag iisip kung Bayani nga din ba si Aguinaldo matapos niyang traydurin at ipapatay si Andres Bonifacio.

No comments: