Monday, May 21, 2007

Bayani- Pacquiao?

Sino ang nagsabing bayani ng Pilipinas si Pacquiao?

1. Marahil ang ABS-CBN na nagsabing ang LABAN ni PACQUIAO ay LABAN ng BAWAT PILIPINO.
Sa labang ito rin, nanalo ang ABS-CBN sa kakumpitensyang GMA 7.
Sa labang ito rin, nanalo ang bulsa ni Pacquiao sa napakaraming endorsements
Sa labang ito, habang gutom na hinihintay ng Pilipino ang laban ni Pacquaio, busog na busog ang mga promoters, Pacquiao team, pamilya ni Pacquaio et. al.
Sa labang ito, sino nga ba ang panalo?
2. Marahil PULITIKA rin ang nagbigay ng titulong “bayani” kay Pacquiao. Lalo na sa mga malapit sa kaniya. Tunay na hindi nakakahahawa ang popularidad ng isang “bayani”, ngunit subukan mo syang idikit sa isang pulitiko, ano pa nga bat babango kahit kaunti ang mabahong tao. Eh?
3. At sa huli, ang nagbigay ng titulong bayani kay Pacquaio ay ang bawat Pilipinong nagbigay kahihiyan sa bansa.
Sa gitna ng patuloy na paghihikaghos ng marami (iba at ginustong maghirap dahil sa katamaran at kawalang pagsusumikap: samantalang ang iba naman ay patuloy na lumalaban), isang bayani nang matuturing ang magpapabango sa lahi ni Juan Dela Cruz. Nagkataon na si Pacquiao ang taong iyon. Ngunit ang tanong, sino nga ba ang nagpabaho ng hangin, hindi ba’t tayo rin.
At sa patuloy nating pag-iidolo sa taong ito, please someone tell me… anong magandang naidudulot ng nasabing “PANALO” sa takbo ng buhay ng Pilipino?


Palamuti sa kasaysayan, palamuti, palamuti


No comments: