Monday, May 28, 2007

Over the weekend with my Bololoy

Over the weekend(got from my friendster blog)

Saturday, I hurriedly pack the things Loloy and I will be needing for the party. I prepare his milk ( for 5) bring extra two bottles, a bottle of mineral water, 3 pair of clothes, 1 pair of slipper, one extra diaper (I don’t know how to change one, but I’ll find help in any way) and two baby towels. I never forget the chips,cookies and candies just in case. I reminded myself to drop by at the kids store to buy gifts for Joan’s Baby Gian. And as usual, Loloy picks up one toy he would like. Which Im not hesitant to buy since I know it will make him more occupied into his toy rather than on the long hours sitting in a bus traveling to Pampanga. I also bring along with me one bag of goodies for the prizes and give aways. So with a bag on my back, plastic on other hand and another just to hold him tight, then off we set.. We hurriedly go to the terminal in Monumento because they (my co-workers in Ibank) already left us.(sad)
Lagi na lang merong problema. Si loloy ayaw pa naman ding magpakarga for me to save some fare..(hay naku) and he usually insist on buying foods he like pag merong vendor na sasampa sa bus. I even tell him “wag un kasi may lason” ang siste sabi ba naman “ E bakit sila kumakain?” (oo nga naman) I feel I wasn’t talking to a three year old boy..(sarap ihulog sa bus) hehe.. And then after a grueling hour, nasa terminal na kami, I hurriedly find a seat na magkatabi and sa dulo na lang ang bakante so no choice. Kahit mainit kahit aircon nagtyaga na lang ako, masakit na din ang balikat ko sa bitbit ko.
And nung nasa biyahe na kami hay naku, la pakami sa North, umusok na ung bus..(may balat ata sa puwet ang kasama ko) para kaming nag pruprusisyon sa bagal ng takbo. Ung oras na dapat 45 mins nagging almost two hours na travel time. Pero si loy, enjoy lang sa pagupo at paglaro ng car nia (ung kalahting dipa nia din sa haba) at least di sya apektado sa gulo ng mundo, suwerte nia, malas ko..ayaw pa isara ang kurtina kahit na katirikan ng araw.. Pero kahit busy alerto siya pag nagttxt ako, tintatanong kagad si Ninong yan? (happens to be my BF) at kung saan namin siya susunduin. Ilang beses ko man sagutin na di natin sya kasama may klase si ninong, sige pa din sya sa pagsabi na susunduin namin sya.. At around 3:00 pm nasa San Pablo na kami, sabi ko sa trike driver kuya Patawaran (place) di nia ata ako maintindihan kasi sabi ko Pa-ta-wa-ran dapat pala Pat-aw-ara-n (may punto) hehe..hay naku.. nakadating din kami sa wakas. Mukha na kaming basang sisiw sa alikabok at pawis.. Si loloy agad ko pinunasan at pinalitan ng damit at ayun, nag ikot ikot na..nakakita ng bike, sinakyan nia buong hapon…kahit na mega tsika ako sa mga dati ko kawork sa banko, di ko inaalisan ng tingin si loy, mahirap na..nood lang sya ng naliligo sa pool, sabi ko gusto mo maligo? Ayaw nia, nagumpisa ang party, natuwa ako nung game na bring me.. socks na brown ang sinabi..eh si loloy lang ang bukod tanging na ka brown socks (hehe), nag suguran ung mga nanay sa kanya para kuhanin..sbay takbo sa kin kasi natakot..(ang feeling ko nanay na ko talaga) lalo na nung kinarga ko sya at niyakap para di umiyak..(hehe) well, back up ko talaga siya pag hindi man kami magkaanak ni Alvin..kasi kahit ubod ng kulit si Loyd malambing sya at matalino. Di siya nag baby talk, straight magsalita, matalas mag isip..Pag umuuwi me ng bulacan talagang tatabi at tatabi siya ng higa sa akin, yayakap at tatanday..namimiss ko tuloy siya pag bihira akong makauwi..
Nung pauwi na kami nagpipilit pa din na sa kina Alvin kami matulog..puntahan daw naming si ninong niya. Sabi ko bukas na lang(kahit di totoo) para pumayag..
Hay naku, alas onse na ayaw padin matulog..katabi pa nya ung kotse niya na nilampaso sa lupa maghapon. Pinaliguan ko nalang muna bago itabi sa kanya..
Nafeel ko kahit na ala pa sa tuldok ang paghihirap na na feel ko sa pag alaga sa kanya, ung amount of happiness naman ang di ko masukat..iba pala talaga pag may bata, feel mo laging merong pag asa, sa bwat ngiti at tawa niya, pakiramdam ko ang kumpleto ng mundo. Iniisip ko na ung magiging bukas nia. Kahit na di ko man sya kadugo, alam ko binigay siya ng Diyos sa amin para mapuno ang pamilya na meron ako.
Siyanga pala, suwerte pa din pala ako di ko na kailangan magpalit ng diaper..tatay ko na lang, pagkadating naming sa bahay..


No comments: