Sa Anim kong Boto
Last May 15 07 na praktis ko ang pagiging isang Filipino ko, lalo na siguro si Mama at Ate, (nag watcher sila) si Tatay nag volunteer sa isang kandidato sa amin..
Siyempre desidido na ko kung kanino ko ibibigay ang awa (as in..) ko sa mga di naman ganong katiwa tiwala na mga kandidato (kasi alam ko lahat naman sila may na violate na election rules..siyempre dito na lalabas ung pilosopiyang.."sila nga ginagawa..e di ako din")
Anim lang ang binoto ko na Senador at ito ang mga dahilan ko kung bakit..
Una: Noynoy Aquino - Siguro naman, may konti pa din siyang paninindigan na namana niya sa yumaong Bayani na si Ninoy.. dahil kung hindi.."lagot siya sa Nanay niya.." in fairness, magaling talaga sa batas at lehislatura si Ninoy.. First time man sumabak sa pag ka senador, (mula sa pagiging representative ng 2nd Dist. ng Tarlac) alam ko madami din syang magagawa sa atin.. di siya trapo tulad ng matatandang pulitiko na alang ginawa sa senate meeting kundi matulog at tumanggap ng paycheck..(legal man o hindi). Wish ko lang na sana maging presidente ang taong tulad nito..
Pangalawa: Joker Arroyo - sa lahat ng mga trapos ito lang ang binoto ko.. di naman nawawala ang korupsyon pero di naman to garapal..nagtratrabaho pa din..saka di pa kinakalawang ang utak..
Pangatlo: Mike "Tol " Defensor- sige na, sige na..alam ko identified crony to ni GMA pero kung titingnan mo yung mga projects niya, masasabi mo din na meron pa din tong malasakit sa Bayan.. (housing and Urban projects) di naman siya siguro papangaralan ng AsiaWeek na one of Asia’s Political Leaders of the New Millennium kung di rin niya alam ang pano magpalakad ng batas.. siya din ang youngest member of HOR. and considered as one of the top10 legislators. Isipin niyo nga kung si Goma at si Cesar meron nito? Honestly, di naman ako nanghahamak ng artista, pero magkaibang mundo pareho ang batas at pelikula di mo puedeng sigaw ng Cut pag merong session sa senado at di mo magets ang mga pinaguusapan..di din un taping na merong script at dummy video para meron kang sabihin sa senado para pakinggan ka.. (unless na lang meron kang ghost writer)..tsk...
Pang Apat: Kiko Pangilinan - Binoto ko siya di dahil asawa siya ni Shawie, (ala siyang kinalaman dito)hehe.. Gusto ko ung sinabi niya na ito:
“Hindi madaling lumikha ng bagong bayan, nguni’t kung bawa’t isa sa atin ay kikilos, isasantabi muna ang sarili, maipupunyagi rin natin and Pilipinas na hanggang ngayon ay pangarap lamang -- Pilipinas na may dangal, may puso, at may katarungan para sa nakararami, Pilipinas na aaruga at magbibigay-pagasa sa mga simpleng pangarap ng mga naghihikahos nating mamamayan.”
-isa pa, magaling sa batas ito since siya ang founding chairman ng "National Movement of Young Legislators " sabi nga ni Miriam, kailangan talaga di kalibre ang mga uupong Senator kasi di naman talaga biro biro ang paggawa ng batas..tayo at tayo mismong malilit ang higit na maapektuhan.
---need to say more?
Pang Lima -Sonia Roco - gusto ko ang plataporma ng Inang Guro na si Sonia, kailangan natin ng Sustainment pagdating sa Edukasyon,, kung nung panahon ni Marcos, tayo ang leading letirate ng Asia pero ngayon, tinalo pa tayo ng ibang bansa pagdating sa teknolohiya, edukasyon, medisina at halos sa lahat ng bagay (except siyempre ang polusyon, prostitusyon, droga, showbiz, bisyo, kurapsyon atbp) kakatext nabobobo lalo ang mga bata, ka ka call center na bansot ang ating thinking ability, sunod sunuran na lang sa script na binigay satin..
Pang Anim- Si Manny Villar - medyo 50-50 pako dito kasi biglang yaman din to..(marami ding anomalya to sa Real estate at low cost government housing projects nito)..
Basta ang alam ko lang..
yumaman lalo ang TV networks sa dami ng commercials ng mga palalong pulitiko..
at isa pa sa ikinasasaya ko, out of the race na si Montano at Goma, it seems na matured na konti ang pilipino sa mga Artistang nagpipilit pumasok at kumita gamit ang pulitika. To hell the word "gusto kong tumulong sa pagbabago.." yeah right.. baguhin para mas lumala pa ang utang at sakit ng ulo ng maraming naghihirap na mamamyan...
At natalo si Paquiao sa botohan..at least natauhan siya na ginagamit lang siya ng kung sino sino para sa pangsarili nilang interes at hindi para sa Inang Bayan. Panahon na din siguro para sa kanya na iapak apak din niya ung paa nia sa lupa, at maghanda na para sa susunod na laban....maisip isip din niya na hindi dinadala sa kasikatan at kayamanan ang pagkapanalo sa pulitika..hanga ako sa mga taga Gensan, alam nila kung ano ang makakabubuti sa Bayan nila...
matakot naman kayo...
naisip ko din sana binenta ko ung idea ko na puedeng gawing commercial..
Si pichay - na ala robinhood ang suot.... sasabihin niya "ako ang Robinhood ng Senado..kukunin ko ang pera ng mga mayayaman at kapitalista at ipamimigay ko sa mga mahihirap..I rob people to give money to the poor..."(Yeba!)
harharhar..
re: pichay loko ung ka ofismate ko nilagay sa balota "Itanim ang talong sa senado!)
whatta@##
sad lang pumasok si Angara, Trillanes at si Lacson, kunsuwelo na lang siguro si Singson at Recto na di nakapasok sa Magic Twelve..
Lastly, saludo pa din ako sa mga Teachers na buong buhay inialay sa pagseserbisyo sa taong bayan..sila dapat ang tularan ng mga walang kaluluwang mga pulitiko na yan..
No comments:
Post a Comment